Sabado, Marso 24, 2012
ang pagkaiba ng SM Calamba and Lianas
Bago namin pinuntahan ang SM Calamba, inexpecto ko na malaki ang pagkaiba ng cultura ng mga tao doon keysa sa mga SM sa Manila, mali pala ako. Pag dating ko sa SM Calamba, nagulat ako, ang ganda pala ng SM dito and ang babait ng mga tao, mas mababait pa sila sa mga tao sa Megamall, magalang pa sila kahit nakita nila na bata pa ako. Sa structure ng SM Calamba halos parehas lang sa mga SM sa Maynila pero ang tao kakaiba, may vibe dito na hindi ka i wawalang hiyain ng mga tao.
Ang Lianas, nung nakita namin itong mall, kala ko parang siyang Ali Mall sa may Lipa, pagpasok namin, nakita ko na parang Greenhills Shopping center pala ito ng San juan. Sa loob ng Lianas maraming gawain at bentahan ng mga cellphone, mga class A na damit at sapatos, meron din mga DVD or electronics centers, kaya nakita ko na malaki ang pagka similar nito sa greenhills. Mas mabait lang ang mga tao sa Lianas dahil hindi sila tulad ng greenhills na lumalapit pa sila sa iyo at nagaalok ng mga produkto nila sayo, para sakin hindi yun maganda na ugali ng nagbebenta at na tuturnoff ako doon, pero sa Lianas iba ang kultura, alam ko na na mas mabait ang mga probinsyano kesa sa mga nakatira sa mga city, iba talaga dito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento